Skip to menu

T-SHIRT PRINTING COMMUNITY

2019.10.03 13:43

Experience in Plastisol Ink

Views 16 Votes 0 Comment 0
?

Shortcut

PrevPrev Article

NextNext Article

Larger Font Smaller Font Up Down Go comment Print
?

Shortcut

PrevPrev Article

NextNext Article

Larger Font Smaller Font Up Down Go comment Print

We are using Plastisol ink for many years now on our silk screen printing job at ang masasabi ko lang ay napakamanagable nya gamitin kaysa sa Water Based ink. 

 

Plastisol is a suspension of PVC particles in a liquid plasticizer so para syang isang liquid na kailangan mo pang painitin para tumigas (:D) kaya as long as na hindi sya niinitan ng standard init na 160 degree celcius. So isipin mo lang, pagkatapos mong mag print, di tulad ng Water based ink na kailangan mong sinupin or tanggaling agad ang mga natirang ink para hindi masayang or tumigas, yung Plastisol ink, pwede mo syang hayaan lang jan kahit isang linggo payan. Ayos dba? Makakaiwas kana sa gastos sa tubig tsaka iwas pasmado narin :D.

 

Isa pang kagandahan sa Plastisol ink ay yung output ng print. Ang angas ng opacity nya mga sir, kasi ang Plastisol ink pumapatong lang sa damit yung ink unlike sa Water based ink na nag pepenetrate sa tela yung ink kaya less opacity sya pero smooth yung output nya.

At ang advantage pa ng Plastisol ay pwede syang wet on wet! Makakatipid kayo sa production time at tsaka sa ink na mismo pero pwede mo lang ito magamit sa white shirt at dapat yung ink na gagamitin ay malabnaw like CMYK ink.

 

Hindi lahat ng bagay ay perpekto, isang problema ng Plastisol Ink ay ang Curing. Dapat napainitan ng mabuti yung print mo ng atleast standard na 320 degree celcius and up. Pero pag white ink ang gagamitin, I recommend 170 degree celcius para maiwasan ang pagkabakbak ng print at para tumibay narin. Nakapadepende din minsan sa specs ng INK ang curing nya kaya basahing mabuti ang discription ng ink na gagamitin kung ano ang dapat curing nya.

Unlike sa Water based na pumapasok sa tela yung ink nya, pumapatong naman ang Plastisol kaya pag hinawakan mo ay medyo rough yung texture nya kaya kung gusto mong iwasan ito pwede mo syang i-Heatpress para ma soften yung feel nya.

 

In conlusion, maganda gamitin ang ink na 'to pag ikaw ay solo printer lang or medyo kulang ka sa tauhan kasi madali lang sya i-manage. Medyo mahal din ang ink na 'to kaysa sa Waterbased kaya kung business mo ang pagprint, medyo mamahalan ang customer pero garantisado naman ang quality nya.

 

For more info about Plastisol:
https://www.jjsilkscreen.com/forum_silkscreen/1176

https://www.jjsilkscreen.com/index.php?mid=forum_silkscreen&page=2&document_srl=1021